Saturday, December 29, 2007

Palawan in my Mind!

Matagal na rin akong nagpupunta sa Palawan Bar 1 sa Cubao ( nasa may Westpoint St., Cubao, Q.C.).... nung una ko itong narinig akala ko eh napakalayung Palawan as in Palawan ang bar na ito, yun pala nasa Cubao lang itong Palawan Bar...at isa pala itong videoke bar…madali ko itong natunton dahil maraming mga tambay sa harapan ng bar, mga batang bagets na pusturang pustura, parang pupunta ng party…pero pag pinasok mo ang palawan sa pinto pa lang may mga sasalubong na sayong mga waiters na bibong bibo na ihahatid ka sa gusto mong mesa….dati bilyaran ang harapan nito bago ka makapasok sa mismong inuman…pero dahil sa daming pumupunta dito tinanggal na ang bilyaran at na-extend ang videoke bar….hindi ito katulad ng mga bar sa malate na bonggang bongga ang hitsura…diko alam kung bakit puntahin ito ng mga bagong bading…eh parang pub ito ng mga hetero na ang hitsura katulad ng mga bar na makikita sa Quiapo, Sta Cruz at Avenida….walang pahinga ang Palawan Bar mula Lunes hanggang Linggo bukas ito sa lahat ng gusting uminom at UMAWRA ( makipag-flirt sa katabing mesa ) alas nueve pa lang marami ng tao sa Palawan at kung gusto mong kumanta dapat maaga ka magpalista dahil halos lahat ng pumupunta dito ay walang takot na kumakanta sa 5.00 bawat song e pede ka nang mag mini-concert…isang mike lang para sa sangkaterbang nagsisiksikanng costumer…star studded ang P1 tuwing Fridays at Saturdays halo halo ang mga pumupunta dito, may sosyal, pa-sosyal, may kaya, jologs, at mga nagpapaka-jologs….may mga grupo ng mga pa-girl, may mga BI ( mga ayaw umamin na bading daw sila ) mga masahistang bading, mga call boys, mga call boy na naghahanap ng lalaki rin, mga studyante, mga sales clerk ng gateway at SM at marami pang iba…ibang feeling kasi pag nasa P1 ka parang ang ganda ganda mo pag nalalasing ka na dahil ang daming tumitingin sayo, murang mura kasi ang beer nila dito P112 lang ang 5 colt 45 panalo talaga at pede kang magdala ng pulutan mo hehehe….pero bakit patok na patok ito? Sa dalawang taon kong pagpunta sa P1 natuklasan ko na hindi pala mahirap makakita ng One Night Stand dito, at kahit isang gabi maranasan mo ang makalimot at magpakasaya.. kung gusto mo ng seryosong relasyon siguro kailangan ng extra effort kung may makilala ka dito……pag sapit kasi ng alas 2 ng madaling araw halos lahat na ng mga kabadingan ay lasing sa colt 45 ay nagsisimula na ang tinatawag na Awra…siksikan na sa CR lalo na sa toilet ng ladies na kahit ang liit nito eh kasya ang 4 na tao…kung exhibitionist ka naman eh punta ka lang sa talyer sa labas ng P1 at duon makipaglampungan sa ka-awra mo…hehehehe…pero ang pinaka Bonggang bonggang nakilala ko dito ay si ELLA, ang kauna-unahang waitress ng Palawan….siya ang pinaka-paborito ng mga bading sa P1, halos lahat ata ng mesa eh sya ang tinatawag…siya ang pinaka-Ms. Friendship ng Palawan…lahat ng tsismis tungkol sa mga pumupunta dito alam ni Ella, kaya naman tuwang tuwa kami sa kanya…hindi lang siya mabait kundi ang sipag sipag pa…..dahil sa sobrang dami ng pumupunta dito eh nagtayo pa ng Palawan bar 2 sa may Yale St., Cubao 3 tumbling lang mula P1 nasa P2 ka na…kung hanap mo eh dancing dancing with a twist of pakwela ng mga veklang rumarampa eh swak ka dito…kaya kung pagod na ang ngalangala mo sa kakakanta sa P1 at gusto mong umindak sa tugtugan eh di punta ka lang sa Palawan Disco Bar!

Tuloy ang Laban!

Excited akong umattend last Dec. 27 ng General Assembly ng GMA-7 …at ang agenda ng meeting ay tungkol sa stand ng GMA sa mga paratang ng ABS-CBN na pandaraya sa ratings sa Bacolod City….gabi pa lang ng Dec 26 or madaling araw ng Dec 27 lumabas ang Public Announcement ng GMA tungkol nga sa mga alegasyon ng Kapamilya channel…habang iniisa isa ng GMA ang mga puntos na mga paratang ng ABS ay unti unting naliwanagan ang aking isip…alam ko namang di gagawin ng GMA ang mga pandaraya lumalabas….sa ginanap na GA nalaman ko na di empleyado ng GMA-7 ang mga informants diumano ng ABS na nanuhol sa mga bahay bahay sa Bacolod upang tumutok lamang sa mga programa ng Kapuso channel…nalaman ko rin na nagtayo ang ABS ng micro finance sa mga taga-Bacolod, nagpapahiram sila ng puhunan upang makapagsimula ng maliit na negosyo, at naniningil sila lingo lingo…at ang oras ng kanilang paniningil ay ang oras kung saan pinalalabas ang mga primetime show…samakatuwid kailangan nakatutok ang mga pinautang sa Kapamilya programs habang naniningil….ITO ANG TOTOONG NANUNUHOL….nakakaloka eh kung makapag bintang ang ABS ng panunuhol eh sila pala itong tutok na tutok… at nalaman ko rin ang malisyosong pagpaparatang ng isang reporter ng DZMM na inamin diumano ng taga-AGB Nielsen na ang GMA diumano ang nasa likod ng mga pandaraya…..eh wala naman silang pruweba…sa pagtatapos ng GA at paglalahad ng bawat department nalaman ko na walang pandarayang ginawa ang GMA-7 at kakasuhan ng LIBEL ang Kapamilya station sa walang takot nilang pag aakusa sa GMA-7….hmmm….ANG SA AKIN LANG NAMAN….SOBRANG DESPERADO NA BA NG MGA KAMPO NG KAPAMILYA AT BASTA BASTA NA LANG SILANG MANIWALA SA KANILANG INFORMANT AT DI MAN LANG NILA SINIYASAT MUNA KUNG TOTOO NGA ANG PNAGSASABI NITO?.....ANG SA AKIN LANG….SAAN KAYA SILA PUPULUTIN PAG NALAMAN NILA NA NILOLOKO LANG SILA NG KANILANG SOURCE?....Nag ngingitngit ako sa biglaan nilang paglalabas ng isyung ito sa the BUZZ…lalo na sa mga reaksyon ni Boy Abunda….na parang may mga pruweba na sila habang pinapakita nila ito sa TV….tinanong ba nila sa sarili nila kung legitimate ang kanilang source, nag imbistiga muna ba sila kung saan lupalop galing ang kanilang impormante? SUS….nagpadalosdalos lang sila sa kanilang mga desisyon…pinalalabas lang nila na apektado talaga sila sa mga ratings…..lalo lang akong nag-ngitngit kapag nakikita ko sa tanghali si Willie na parinig nang parinig na kesyo nagpapakahirap daw sila ng pagpapaganda ng programa nila pagkatapos ay dadayain lang daw sila? ( HALER? SIYA KAYA ANG MANDARAYA…FALSE HUMILITY ANG PINAPAKITA NIYA SA KANILANG MGA AUDIENCE? PATI NGA MGA GAMES NILA DINADAYA NILA!) tigilan nga nya ako….ANG SA AKIN LANG ….sana maalala nila ang kasabihang…ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili….o nawala na sila sa kanilang sarili? hehehehe

2008 Year of the Earth RAT!




The beginning of the year of the Earth Rat will occur on February 6, 2008. It will also mark the end of the year of the Fire Pig in Chinese Astrology. The Rat is the first Chinese Zodiac sign and the Pig is the last Chinese Zodiac sign. Therefore, on February 6, 2008 a new 12 year Chinese Astrology cycle will begin and the completion of the previous 12 year Chinese Astrology cycle will occur.

By its order in the Chinese Zodiac horoscope, the Rat symbolizes: fresh starts, new beginnings, renewal and rebirth. Therefore, things that are started in the year of the Earth Rat will have a good chance of long-term success. For example, a new business started in the year of the Rat will stand a very good chance at being successful. The Earth element will rule the Chinese Zodiac Rat year. The Earth element represents practicability and conservatism. Unfortunately for the Rat, whose fixed element is Water, the Earth element weakens Water. On the flip side, if your fixed element is Metal, then the Earth element will work to your advantage.

The Pig by the nature of its order in the Chinese Zodiac horoscope symbolizes: completion, finality, closure and endings. Therefore, in the Pig year it is auspicious to wrap up projects and undertakings to bring things to a close. For example, any uncompleted projects or loose ends you have should all be tied up before the end of the year of the Pig.

Friday, December 14, 2007

Bonggang bonggang Viaje del sol

Sa Dec 16 ang airing ng "Ang Pinaka Recommended New Year Getaways" at syempre kasama ako ng Ang Pinaka team na nagpakasasa sa mga lugar ng Viaje Del Sol at talaga namang winner ang 3 day shoot. At para sakin ito ang mga ranking ko Ang Pinaka-Bonggang bongga na dapat puntahan nyo!

#8- UGU BIGYAN POTTER'S GARDEN- na matatagpuan sa Tiaong Quezon, ito ang second stop namin sa aming first day adventure getaway....eh nasa ika 8 pwesto lang ang UGU BIGYAN sa aking Pinaka dahil diko nalasap ang pinagmamalaki nilang" Lunch served at his garden" chorva ang drama habang namimili ka ng mga pottery ni Mr Ugu Bigyan ang owner, ay pwede kang kumain ng lunch sa kanyang bonggang hardin....in fairness maganda ang kanyang mga bowls, plates, chimes at mga jewelry na bonggang bongga ang presyo (dumaan ka muna sa ATM, bago ka pumunta dito) mataray ang mga bricks walkway at kung trip mong mag ala demi moore pottery lesson join ka na!

How to get there?-From Manila, head towards Tiaong, Quezon. Drive past the Tiaong Public Market and watch for the Tiaong Elementary School. Five minutes from the school, watch for a sign pointing to Lusacan National Highschool, to your left. Turn left on the road near the sign. Follow the road and turn left on Alvarez Village. The house is the red clay house to your left.



#7 PANDIN LAKE
- ang nasa ika 7 pwesto, first stop sa aming 2nd day adventure....ang Pandin Lake ay
matatagpuan sa Brgy San Lorenzo sa bayan ng San Pablo, at ito ay isa sa 7 lake na kilala sa San Pablo...kakaiba ang experience ko dito sa Pandin Lake....pagdating namin sa brgy ay malalakad ka pa ng 20mins papunta sa mismong lake, at pagdating mo doon ay sasakay ka ng bamboo raft ( balsa ) na ang mga nagsasagwan ay mga kababaihan ( taray diba?) habang nakasakay kami sa balsa, ay pinakain kami ng fresh buko at uminom ng mineral water na galing sa bundok, kung nature tripping ang drama mo swak na swak dito dahil green grenan ang paligid ng buong lake!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. You will see a Caltex station to the left, right before a fork in the highway. The right side of the fork heads straight to Lucena, the left leads to San Pablo city.










#6 TARA WOODS
- from Casa Rap pumunta kami sa aming last stop sa aming
3day pinaka bonggang getaway adventure ang TARAWOODS sa Batangas...ito'y three-storey farmhouse na ngayon ay converted to a bed-and-breakfast place...sosyal ang lugar na ito kung sosyalin ang taste mo, sobrang laki ng lugar na tamang tama pang workshop chorva, conference at meeting meeting galore, pag nakarating ka dito mapapa TARA ka ulet sa pagbalik








# 5 FORREST CLUB- First day first stop namin ang Forrest Club na pag-aari ng mga Mercado, matatagpuan sa Brgy Masaya, Laguna....Masaya talaga dito kasi pang team building ang drama dito at bonggang bongga ang hot spring pool nila na may jacuzzi pa! May medicinal garden pa sila dito at take note natikman ko ang the best buko pie dito ang Shiela's buko pie na mabibili lang sa Los Banos, deama na sa collete's

How to get there?At the end of SLEX, left towards Calamba crossing. At Calamba crossing, right towards Los Banos. Keep following the main highway, passed the UPLB junction. Turn right on the road leading to the Geothermal Plant. The Forest Club will be to your left, at the border of Barangay Puypuy and Barangay Masaya.



#4 KUSINA SALUD- second day, 2nd stop namin ang Kusina Salud...dito kami nag lunch ng bonggang bongga! naalala ko 2 years ago may kinainan kami sa Baguio na Salud Bistro na panalo sa sarap ang mga food! ( pero wala na ngayon ang Salud! closed na sayang ) at ito na sila ngayon sa San Pablo Laguna....bongga pa rin ang pagkain nila dito, at taray ng ambiance...andito rin ang bird collection ni madam Patis Tesoro! So go, go, go na mga chikadora!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. Follow the signs to Kusina Salud along the Maharlika Highway.



#3 CASA RAP- kung nasarapan kami sa Kusina Salud, eh CASARAP naman pala dito sa Casa Rap, at bonggang bonggang nasa ika-3 pwesto....Sina Sr. Emma Alday at Mrs. Sonia Alampay ang owner nito. CasaRap is a greenhouse café, pottery & art gallery, and organic garden. Casa means house and RAP stands for Restaurant and Alternative Products. “Kasarap” is a Batangueño expression meaning very delicious....ala eh dito ko lang natikman ang ice cream na nilalagyan ng "lambanog" o na-try nyo na ba yun? pwes bili na ng lambanog at lagyan ang mga ice cream nyo dali!





How to get there?
From Manila take the Star Toll to Lipa. Take Tambo Exit to Batangas City. CasaRap is just 20 minutes away from Wan Fernando Airbase.




#2 CASA SAN PABLO-10 yrs ago narating ko na ang lugar na ito, dipa Casa San Pablo ang tawag dito, bahay ito ng bonggang bonggang mommy ni Boots Alcantara....dito namin ginawa ang environmental children show na Friends of the Earth na ang producers ay sina An Mercado at Boots....pagdating ko ng Casa, parang kahapon lang lahat ng yun, sobrang well maintained ng lugar walang nagbago...nadagdagan lang ng mga bonggang bonggang bahay kung saan kami nag overnight....at kinabukasan winner ang hot chocolate nilang may crunchy pinipig...wow sarap ng breakfast!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. You will see a Caltex station to the left, right before a fork in the highway. The right side of the fork heads straight to Lucena, the left leads to San Pablo city. Take the left road, this is Colago Ave. Watch for the Community Hospital on your left. Shortly after the hospital, to the right, is Kay Inay Resort. Turn into the resort gate, Casa San Pablo is inside.







# 1KINABUHAYAN CAFE BED & BREAKFAST
- at ito na
ang Pinaka Bonggang bonggang number 1, ang Kinabuhayan Cafe, sa Dolores Quezon...gabi na kami dumating ng Kinabuhayan dahil medyo naligaw kami, ito ang second day 3rd stop namin....sinalubong agad kami ni Tsongki ( pangalan ng askal na alaga ng may-ari ng Kinabuhan na si Jay Herrera, na isang stage production designer ) nang magkita kami ni Jay sabi nya sakin parang magkakilala kami, at familiar din sya sakin....na realized ko pagdating ko ng manila nagkatrabahao na pala kami sa Repertory Philippines during the 90's...tagal na hehehehe...at bakit Pinaka-Bongga ito? Hindi lang dahil super chika si Jay at ang isa pa niyang asong si Muning, dahil bonggang bongnga ang dinner namin dito, ang sarap sarap...at free ang accommodation dito, 500 lang per meal ang babayaran mo sa entire stay mo sa kinabuhayan....taray ng bathroom at bedroom sa kinabuhayan....simpleng buhay ang dating hehehehe...at kinabukasan dinala kami ni Jay sa kanyang pinagmamalaking Kubli Springs.....sarap magtampisaw! so ano pa hinihintay nyo....Viaje na!



How to get there?
From Manila, after the San Pablo border, stay on the Highway up to Km 86 where you will see the Meralco Compound to your right. Shortly after Meralco, turn left on the road leading to Dolores. Go passed Bato Springs and turn left after the gas station. Stay on this road until you reach Bejarme St. Turn left, after a few meters, Kinabuhayan Café will be to your right.




Thursday, November 22, 2007

Enchanting Enchanted!


One of the reasons (aside from being a premiere nights addict) why I watched “Enchanted” is its cast. Seeing my favorite actor Patrick Dempsey who have done movie hits such as “ Can’t Buy Me Love in 87, Happy Together & Loverboy in 89 and received significant public attention for his role as Dr. Derek Shepherd in the drama Grey's Anatomy…..

Enchanted is a delightful musical-comedy that combines traditional hand-drawn cartoon with live-action drama. It begins as a Disney animated fairy tale set in a faraway kingdom, where a fair maiden meets a handsome prince and falls in love. Just as they are about to be married, the prince's evil stepmother tricks the maiden and casts her far away from their cartoon kingdom.

She emerges in the real-world as a very beautiful real-life woman (Amy Adams) who must now navigate the madness of that modern city called New York and find her way home. That is, until she meets a real-life man (Patrick Dempsey) who captures her heart and plants doubts about her own simple fairytale assumptions...

Directed by Kevin Lima, Enchanted is quite, well, enchanting. The concept of having the simple values of fairy-tale characters clash with cynical values of modern-day Man is an inspired idea that yields plenty of delightful gags and one-liners. Especially funny is a musical number where Amy Adams starts singing in a Manhattan apartment and is joined by a chorus of pigeons, rats and cockroaches.

Indeed, Amy's peachy, perky performance will charm you thoroughly. She reminds you of all the storybook princesses you may have liked from Snow White to Sleeping Beauty to the Little Mermaid. The men aren't half bad either, with the swoon-worthy Patrick Dempsey and James Marsden (as the fairytale prince) occupying the other two corners of the requisite love triangle.

Amusingly naive, sweet and magical, Enchanted is the best guilty pleasure to be had right now.

Monday, November 12, 2007

Ang Lee's Lust, Caution


Winner ang pelikulang Lust, Caution ( starring Tony Leung, Tang Wei, Joan Chen at Lee-Hom Wang ) isa sa pinaka erotic na napanood kong pelikula na directed by Academy Award-winning Taiwanese director Ang Lee, ( The Wedding Banquet, Sense & Sensibility, Brokeback Mountain , Crouching Tiger, Hidden Dragon , Hulk ) based on the short story of the same name published in 1979 by Chinese author Eileen Chang. Ikalawang beses ng panalo ni Ang Lee sa pwlikulang ito sa Golden Lion, Venice Film Festival.


Ang kwento ay nangyari noong 1942 ng sakupin ng mga Hapon ang Shanghai, China. Isang theater group na mga estudyante ang nagplano ng pagpatay sa isang
member na Japanese collaborationist.

Hinintay ko talaga ang mga super grabeng sex scene nina Tony Leung at Tang Wei kahit na ang running time nito ay 158 minutes o 2 1/2 hours ....diko tuloy malaman kung dahil ba sa galing ng direktor at ng mga artista ay parang totoong nagpe-penetration ang mga artista sa mga love scenes....grabe hindi talaga ako kumurap para makita ko lang ang mga balls ni Tony Leung hehehehe......pero sa totoo lang panalo sa ganda ng pelikula sa production design at cinematography pa lang winner na naman to sa oscars.....pwedeng ulit-ulitin!


Thursday, November 1, 2007

STUDS calendar/magazine 2008


well...well...well ang sexy ng mga studs dito sa 2008 calendar/magazine ng x ray huh, syempre dipa ako bumili kasi ang mahal mahal P395? so sinilip ko na lang hehehehe at ito ang mga nasilip ko...well cute silang lahat ( Dion, Mike, JC, Lance, Edgar Allan. Coco, Kevin at Felix) sana mas daring pa ang mga poses kung gusto talaga nila mapansin...hmmm pwede na rin to noh...















Thursday, October 18, 2007

ROXXXANNE

Last week, Oct. 10 ang premiere showing ng Roxxxanne sa UP Film Center ang mga bida dito ay sina Sheree, Jay Aquitana at Janvier Daily. Sabi ng kaibigan kong nag-invite sa akin, itong Roxxxane daw ang husgahan ko at huwag daw ang GIGIL na unang commercial film ni Jun Lana, kapag naalala ko ang Gigil ay nanggigigil ako sa sarili ko kung bakit ko pinanood ang pelikula....according sa aking source marami daw ang naging aberya habang ginagawa ang pelikulang Gigil ( feeling ko excuses lang nila yun dahil chaka talaga ang pelikula parang ginawa ito noong 80's pa hmp).....so inaabangan ko itong Roxxxanne...pagdating namin sa UP mahaba na ang pila ng mga bading na super excited na mapanood ang pelikula, at dahil VIP ang tickets namin, nagkaroon kami ng chance na ma-chika ang mga VIP guests ni Jun Lana at ibang casts ng pelikula...well nagustuhan ko naman ang pelikula, mahusay ang pagkakasulat ng script...pero na-disappoint ako dahil wala man lang akong nakitang makakapagpa-excite sa mga bading, na sa tingin ko bading ang tema ng pelikula, pero kulang lang sa mga sexy scenes....sa pelikula 2 beses nakitulog si Janvier sa kwarto ni Jay ? My gosh nabitin ako dun sobra wala man lang nangyari...hmm sayang.... sana man lang may mga naliligong eksena si Janvier at sinisilipan ni Jay ( kagat labi ) dahil patay na patay sya dito.... at sana may mga masturbation scene na pinagpapantasyahan ni Jay ang kanyang one and only love.....cguro sinadya talaga ni Jun na walang mga sexy scenes ( kahit tatlo ang letter "x" sa Roxanne) dahil nasanay ako na may mga sexy scenes sa mga gay films na napanood ko at kulang dito sa Roxxxanne kaya diko masisisi ang sarili kong ma-bore sa pelikula ...sayang (buntong hininga)....ito ang pelikulang di mo na uuliting panoorin at madali mong makakalimutan....





Friday, October 5, 2007

Mga movies na napanood ko last month!

INVASION


Nicole Kidman stars as a Washington, D.C., psychiatrist who discovers a mysterious epidemic that alters the behavior of human beings. Weirder still: The origins of the virus appear to be extraterrestrial.

You get Kidman doing a variety of odd accents, the sad sight of cool character actor Jeffrey Wright reduced to being the Guy Who Explains All the Fake Science, a kid actor who's had the emotion drained out of him already by Hollywood instead of by alien pods, the dowsing of weird, creepy psychological terror in favor of more car chases and crashes and whiplash editing that makes no sense.





ROUGE ASSASSIN

Jet Li stars in this fast-paced action thriller, playing an assassin named Rogue who has murdered an FBI agent. Now the agent's former partner (Jason Statham) is hellbent on revenge--and there's no avoiding a tense showdown with Rogue.
When you don't bother to write an interesting story and you rely on unimaginative car chases and martial-arts face-kickery, how do you salvage your movie? With lot of guns, knives and swords, that's how. Even with Jet Li on board here, you don't get to see a ton of really great mano a mano. It's mostly just people shooting each other in the face. There's a ton of that, actually. And that's, you know, fine and all, but it's not what you're led to believe is going to go down. You'll be disappointed in the film but satisfied, more or less, by the sheer volume of bloodshed.






SHOOT 'EM UP

CHICAGO SUN-TIMES
"… the most audacious, implausible, cheerfully offensive, hyperactive action picture I've seen …"
ENTERTAINMENT WEEKLY
"… a bloody, trashy, volcanically depraved action movie …"
HOLLYWOOD REPORTER
"It's all very silly, but also undeniably fun …"
VILLAGE VOICE
"… extremely violent guilty pleasure of a thriller …"
USA TODAY
"Though some sequences are eye-poppingly cool and the dark humor can be entertaining, this feels like a stylish exercise in absurdly excessive violence."
BONGZEE
“ kaloka itong movie…kaka xcite ang mga barilan sequences…ang fav ko ang sex scene ni monica at clive…habang binabaril ni clive ang mga kalaban binabaril din niya si monica…hehehehe”






DAYWATCH

Now comes Daywatch, the second in the trilogy that will eventually conclude with Duskwatch.

Here, the same set characters have returned to reprise their roles as supernatural beings who walk the earth among us. They are called the Others, and they could be anything from witches and seers, and beasts and vampires. But they take on humans forms, moving around us in normal clothes and dark shades such that we are not aware of them.

Divided between the forces of good and evil, the groups operate according to an ancient truce struck to keep a balance between lightness and dark. But that truce is about to be destroyed because of a young boy (Dima Martynov), whose role as the long-awaited messiah threatens to make the evil forces stronger than the good.
Like Nightwatch, Daywatch has been shot in a frenetic, MTV-style pace that may or may not give you a headache. At times, the images fly by so fast you want to close your eyes and rest your mind for a while before being assaulted by the next batch of images.





RESIDENT EVIL: EXTINCTION




In this third and final entry of the horror franchise, Alice (Milla Jovovich) is still on the run from the diabolical Umbrella Corporation, which has turned her into a superhuman fighting machine. Hiding in the Nevada desert, Alice teams up with a bunch of outcasts to once and for all get rid of the nasty virus that's turning the entire population into zombies.










I KNOW WHO KILLED ME


Chicago Tribune
"… it's uncomfortable to watch someone who's hit rock bottom in her personal life play such a sleazy character …"
Hollywood Reporter
"… a fresh candidate in the running for worst movie of 2007 …"
New York Post
"… sleazy, inept and worthless …"
Premiere
"… risible, grotesque, and incoherent …"
TV Guide
"… the kind of film actresses generally make when their careers are well and truly on the skids."
Variety
"… a disaster …"

Bongzee
"kung may B-movie...D-movie ang para dito sa pelikula...sobrang chaka...bat kaya tinanggap to ni Julia Ormond, wala na ba syang raket?

Hay naku super boring ng pelikulang December Boys....sana pinanood ko na lang sa dvd...kung hindi si Daniel Radcliffe ang star dito, hindi ako nag aksaya ng panahon na manood ng premiere showing nito sa Glorieta4, pero salamat sa Xfm...dahil panalo talaga ang mga premiere nila..salamat sa kanilang mga xdeal...ang tema ng pelikula ay coming of age ng apat na main characters (orphan boys from a catholic home-style orphanage ), at pano nabago ang buhay nila sa isang bakasyon. Alam nyo ba na dahil sa Australia ang setting ng pelikula so kailangan ng strong Australian accent ng mga characters dito since si Dan Radcliffe ay british nag- practice sya ng Australian accent for six months prior to the films shooting pero halata pa rin na sya lang ang British sa pelikula...may mga eksena na akala ko nanonood ako ng Harry Potter at bigla syang magma-magic hehehe. Ginawa ang pelikula on location sa Adelaide and Kangaroo Island, with interiors at the South Australian Film Corporation Studio at directed by Rod Hardy(diko sya kilala?)....kung pagod ka at manonood ka ng December Boys baka makatulog ka at paggising mo Pasko na!

Tuesday, October 2, 2007

magaling umARTe si Jett huh!


Last September 22, nanood kami ng one-night-only performance ng Art,Yasmina Reza’s Broadway and London hit comedy at ang mga bida dito ay sina Jett Pangan, Michael de Mesa at Ricky Davao. Di ko napanood ang english version nito noong 1998, so wala akong ideya kung ano ang istorya ng ART....may nagtanong nga sakin kung "gay play" daw itong ART, ang sabi ko naman di ah..."straight play" to noh...hehehehe...tungkol pala ito sa painting na binili ni Michael ( as Serge ) na ang halaga ay 200k e white lang naman ang painting...di makapaniwala si Jett (as Mar ) na binili nya ito ng 200k at tinawag nya itong " piece of shit"...nagsimula ang awayan ng dalawang magkaibigan ng pumasok sa eksena si Ricky ( as Jun ) kasi ang character ni Jun dito ay balimbing ( mababa ang self-esteem at self confidence ) kaya kumakampi sya kung sino ang kausap nya sa dalawa.....well di naman ako na-disappoint...ang galing ng timing nina Ricky at Michael, at sobra akong na-impress sa performance ni Jett, di sya nagpatalo sa husay nina Michael at Ricky...ang masasabi ko lang FUNtastic ang Pinoy version ng ART!


Monday, September 24, 2007




Yesterday i watched I Now Pronounce You Chuck and Larry, a supposedly "gay-friendly" movie made by straight men. Ang bida sina Adam Sandler and Kevin James as two firemen who fake a gay marriage for insurance purposes, but get into trouble when the insurance company uncovers the fraud. Filled with cheap caricatures and mildly offensive jokes about gays, I wouldn't recommend this movie, may nakakatawa pero nakakainis yung halos lahat ng scenes....kung Adam Sandler fan ka chika lang pero sayang lang pera mo.....hmp...

Monday, September 17, 2007

Colin & Ewan may bagong movie, abangan ko to!


Cassandra's Dream is the next film from the director Woody Allen.



As is often the case with Allen's films, not much is known of the film's plot at this early point. In an interview with The Philadelphia Inquirer's Steven Rea, however, he did reveal it will be a serious drama, à la Match Point, and Colin Farrell and Ewan McGregor will play brothers.
The film was premiered in secret at Oviedo in Spain on June 18, 2007.It was officially premiered at the Venice Film Festival on September 2, 2007 and is scheduled to be released on November 30, 2007.The film will have its North American premiere at the Toronto International Film Festival on September 11, 2007.


It's official - there's a shock new couple in Hollywood... Ewan McGregor and Colin Farrell. According to them, Me and Colin Farrell lovers? Yes. You heard it here first. Friends, lovers, all of those things," a deadpan Ewan told us on the red carpet premiere of their film, Cassandra's Dream, in Toronto.The story was then 'confirmed' by Colin, who walked up behind him, grinning: "We're lovers, but only physically. No movies, no dinners, or long meaningful conversations caring about how the other person is doing in their lives."The 31-year-old Irishman added: "We just like to make love every now and then. Once a year is going to be the deal, like Woody Allen makes his films. "We're going to make love once a year. He does look well, doesn't he? Very dapper. It's the accent as well that gets me."Ewan added that they planned to hang out together tonight.






Sunday, September 16, 2007

Trip to Quiapo



Every Sunday excited ako lagi kasi ito ang araw ng aking trip to Quiapo...bibili na naman ako ng mga DVD's hehehe, pag sundays talaga iba ang feeling ko...ang saya kasi ang sarap sumakay sa LRT3 from Cubao papuntang Recto...ang ganda ng tren, maluwag kahit maraming taong sumasakay at ang bawat stop may Voice Over na maririnig, di gaya ng MRT tagal pumila nakakaloka ang sikip....excited din ako kasi kakain na naman ako sa Globe Lumpia ang paborito kong lumpiang sariwa sa balat ng lupa...kung galing ka ng Isetan going to Quiapo church, pagdating mo ng overpass sa may gawing kanan makikita mo agad ang Globe Lumpia House ( dating Raon St.) maliit lang ang lumpia house, pagpasok mo may malaking pictures nina Susan Enriquez at Charlene Gonzalez with the owner ilang beses na silang napi-feature sa tv (sikat diba?)...Trivia lang- alam ba ninyo na 1957 pa lang may globe lumpia na daw at kaya sya tinawag na globe lumpia kasi nasa tabi ito ng dating Globe Theater...hanggang ngayon nasa tabi pa rin sila ng nagsarang globe theater....ang sarap ng lumpia nila dito grabe at P16.00 lang plus Sarsi na P8.00 solve ka na...masarap kasi yung caramel-peanut sauce nila at tamang tama lang yung tamis at fresh na fresh ang mga ingredients...panalo nakaka-adik....hehehehe at pagkatapos ay go na ako sa aking suki ng mga pirated dvd's....ang saya!


Thursday, September 13, 2007

SANGO...go na kayo Japanese burger naman to!


Habang nilalasap namin ang sarap ng Kozui's Anmitsu nagbalik sa aking alaala ang SANGO, the burger master sa may Milelong , Makati...Winner ang burger nila dito kung sawa na kayo sa Jollibee at Mcdo...hay naku kakaibang experience ang first visit ko sa Sango, feeling ko nasa Japan ako...kasi sa entrance pa lang may mga nakatambay nang mga GRO's ( taga-Pharaoh ata sila, videoke bar besides Sango ) at ang mga service crew dito ang tataas ng energy kung mag-greet mula pinto hanggang sa pag order mo, mapapa-Oh at wow ka! ba't di sila napapagod huh and at ang drama nila mala-at-your-service .. alerto...at ang pronunciation daw ng SANGO ay sang-go at hindi sango ( parang ngongo pronouncing sago hehehe...joke lang ) nakakatuwa yung mga nakatambay na mga Japanese dito parang mga props lang pero authentic Japanese sila talaga huh...at habang hinihintay mo ang iyong order na dumating maaliw ka sa malaking LCD screen nilang nagpapalabas ng mga Japanese MTV's...panalo diba? para ka na ring nag-Japan kahit na nasa Makati ka lang...at masarap talaga ang burger nila ang difference ay ang special sauce (like a spaghetti sauce with too much onions) nilalagay nila sa master cheeseburger at bagay na bagay sa thick tomato slice at sa ginagamit nilang soft bun....ang masasabi ko lang mapapa-order ka ulet pag natikman mo to grabeh...oh SANGO na kayo dali!!!!


punta kayo dito Kozui masarap!




Galing kami sa wake ng dad ni Peejo sa Philam chapel, diba may pamahiin na pag galing ka daw sa wake wag ka muna uuwi agad sa house? So go muna kami somewhere para mag kape, naalala namin yung may green tea daw sa may Morato, pero di namin maalala ang name basta green tea...finally narating namin ang KOZUI Green Tea...panalo ang interior green greenan ang concept at minimalist ang theme chorvah at hindi basta basta ang mga tsaa nila dito pang mayaman ang hitsu...japanese japanisan ang dating pero affordable naman kung may pera ka hehehe...so tanong tanong kami ng mga best seller nila...at nakita ko ang Anmitsu na parang halo-halo pinoy version (P138) (Japanese dessert with homemade green tea ice cream, azuki beans, gelatin, mochi balls and mango cubes)...aktuali maganda sya sa picture kaya yun ang inorder namin plus Takoyaki (samurai balls ) Japanese version ng squid/fish balls natin...hmmmm...masarap sya huh hindi lang sya maganda sa picture...at alam nyo ba na ang meaning ng KOZUI? In Kansai-ben, the dialect of Japan’s southern provinces, kozui means “fragrance” - the primary factor considered when judging green tea...pero para sakin ang meaning nito hindi lang fragrance...iba KOZUI pag natikman nyo masarap talaga! go...go..go..