Friday, December 14, 2007

Bonggang bonggang Viaje del sol

Sa Dec 16 ang airing ng "Ang Pinaka Recommended New Year Getaways" at syempre kasama ako ng Ang Pinaka team na nagpakasasa sa mga lugar ng Viaje Del Sol at talaga namang winner ang 3 day shoot. At para sakin ito ang mga ranking ko Ang Pinaka-Bonggang bongga na dapat puntahan nyo!

#8- UGU BIGYAN POTTER'S GARDEN- na matatagpuan sa Tiaong Quezon, ito ang second stop namin sa aming first day adventure getaway....eh nasa ika 8 pwesto lang ang UGU BIGYAN sa aking Pinaka dahil diko nalasap ang pinagmamalaki nilang" Lunch served at his garden" chorva ang drama habang namimili ka ng mga pottery ni Mr Ugu Bigyan ang owner, ay pwede kang kumain ng lunch sa kanyang bonggang hardin....in fairness maganda ang kanyang mga bowls, plates, chimes at mga jewelry na bonggang bongga ang presyo (dumaan ka muna sa ATM, bago ka pumunta dito) mataray ang mga bricks walkway at kung trip mong mag ala demi moore pottery lesson join ka na!

How to get there?-From Manila, head towards Tiaong, Quezon. Drive past the Tiaong Public Market and watch for the Tiaong Elementary School. Five minutes from the school, watch for a sign pointing to Lusacan National Highschool, to your left. Turn left on the road near the sign. Follow the road and turn left on Alvarez Village. The house is the red clay house to your left.



#7 PANDIN LAKE
- ang nasa ika 7 pwesto, first stop sa aming 2nd day adventure....ang Pandin Lake ay
matatagpuan sa Brgy San Lorenzo sa bayan ng San Pablo, at ito ay isa sa 7 lake na kilala sa San Pablo...kakaiba ang experience ko dito sa Pandin Lake....pagdating namin sa brgy ay malalakad ka pa ng 20mins papunta sa mismong lake, at pagdating mo doon ay sasakay ka ng bamboo raft ( balsa ) na ang mga nagsasagwan ay mga kababaihan ( taray diba?) habang nakasakay kami sa balsa, ay pinakain kami ng fresh buko at uminom ng mineral water na galing sa bundok, kung nature tripping ang drama mo swak na swak dito dahil green grenan ang paligid ng buong lake!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. You will see a Caltex station to the left, right before a fork in the highway. The right side of the fork heads straight to Lucena, the left leads to San Pablo city.










#6 TARA WOODS
- from Casa Rap pumunta kami sa aming last stop sa aming
3day pinaka bonggang getaway adventure ang TARAWOODS sa Batangas...ito'y three-storey farmhouse na ngayon ay converted to a bed-and-breakfast place...sosyal ang lugar na ito kung sosyalin ang taste mo, sobrang laki ng lugar na tamang tama pang workshop chorva, conference at meeting meeting galore, pag nakarating ka dito mapapa TARA ka ulet sa pagbalik








# 5 FORREST CLUB- First day first stop namin ang Forrest Club na pag-aari ng mga Mercado, matatagpuan sa Brgy Masaya, Laguna....Masaya talaga dito kasi pang team building ang drama dito at bonggang bongga ang hot spring pool nila na may jacuzzi pa! May medicinal garden pa sila dito at take note natikman ko ang the best buko pie dito ang Shiela's buko pie na mabibili lang sa Los Banos, deama na sa collete's

How to get there?At the end of SLEX, left towards Calamba crossing. At Calamba crossing, right towards Los Banos. Keep following the main highway, passed the UPLB junction. Turn right on the road leading to the Geothermal Plant. The Forest Club will be to your left, at the border of Barangay Puypuy and Barangay Masaya.



#4 KUSINA SALUD- second day, 2nd stop namin ang Kusina Salud...dito kami nag lunch ng bonggang bongga! naalala ko 2 years ago may kinainan kami sa Baguio na Salud Bistro na panalo sa sarap ang mga food! ( pero wala na ngayon ang Salud! closed na sayang ) at ito na sila ngayon sa San Pablo Laguna....bongga pa rin ang pagkain nila dito, at taray ng ambiance...andito rin ang bird collection ni madam Patis Tesoro! So go, go, go na mga chikadora!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. Follow the signs to Kusina Salud along the Maharlika Highway.



#3 CASA RAP- kung nasarapan kami sa Kusina Salud, eh CASARAP naman pala dito sa Casa Rap, at bonggang bonggang nasa ika-3 pwesto....Sina Sr. Emma Alday at Mrs. Sonia Alampay ang owner nito. CasaRap is a greenhouse café, pottery & art gallery, and organic garden. Casa means house and RAP stands for Restaurant and Alternative Products. “Kasarap” is a Batangueño expression meaning very delicious....ala eh dito ko lang natikman ang ice cream na nilalagyan ng "lambanog" o na-try nyo na ba yun? pwes bili na ng lambanog at lagyan ang mga ice cream nyo dali!





How to get there?
From Manila take the Star Toll to Lipa. Take Tambo Exit to Batangas City. CasaRap is just 20 minutes away from Wan Fernando Airbase.




#2 CASA SAN PABLO-10 yrs ago narating ko na ang lugar na ito, dipa Casa San Pablo ang tawag dito, bahay ito ng bonggang bonggang mommy ni Boots Alcantara....dito namin ginawa ang environmental children show na Friends of the Earth na ang producers ay sina An Mercado at Boots....pagdating ko ng Casa, parang kahapon lang lahat ng yun, sobrang well maintained ng lugar walang nagbago...nadagdagan lang ng mga bonggang bonggang bahay kung saan kami nag overnight....at kinabukasan winner ang hot chocolate nilang may crunchy pinipig...wow sarap ng breakfast!

How to get there? From Manila, after the San Pablo border, stay on the Maharlika Highway. You will see a Caltex station to the left, right before a fork in the highway. The right side of the fork heads straight to Lucena, the left leads to San Pablo city. Take the left road, this is Colago Ave. Watch for the Community Hospital on your left. Shortly after the hospital, to the right, is Kay Inay Resort. Turn into the resort gate, Casa San Pablo is inside.







# 1KINABUHAYAN CAFE BED & BREAKFAST
- at ito na
ang Pinaka Bonggang bonggang number 1, ang Kinabuhayan Cafe, sa Dolores Quezon...gabi na kami dumating ng Kinabuhayan dahil medyo naligaw kami, ito ang second day 3rd stop namin....sinalubong agad kami ni Tsongki ( pangalan ng askal na alaga ng may-ari ng Kinabuhan na si Jay Herrera, na isang stage production designer ) nang magkita kami ni Jay sabi nya sakin parang magkakilala kami, at familiar din sya sakin....na realized ko pagdating ko ng manila nagkatrabahao na pala kami sa Repertory Philippines during the 90's...tagal na hehehehe...at bakit Pinaka-Bongga ito? Hindi lang dahil super chika si Jay at ang isa pa niyang asong si Muning, dahil bonggang bongnga ang dinner namin dito, ang sarap sarap...at free ang accommodation dito, 500 lang per meal ang babayaran mo sa entire stay mo sa kinabuhayan....taray ng bathroom at bedroom sa kinabuhayan....simpleng buhay ang dating hehehehe...at kinabukasan dinala kami ni Jay sa kanyang pinagmamalaking Kubli Springs.....sarap magtampisaw! so ano pa hinihintay nyo....Viaje na!



How to get there?
From Manila, after the San Pablo border, stay on the Highway up to Km 86 where you will see the Meralco Compound to your right. Shortly after Meralco, turn left on the road leading to Dolores. Go passed Bato Springs and turn left after the gas station. Stay on this road until you reach Bejarme St. Turn left, after a few meters, Kinabuhayan Café will be to your right.




No comments: