Excited akong umattend last Dec. 27 ng General Assembly ng GMA-7 …at ang agenda ng meeting ay tungkol sa stand ng GMA sa mga paratang ng ABS-CBN na pandaraya sa ratings sa Bacolod City….gabi pa lang ng Dec 26 or madaling araw ng Dec 27 lumabas ang Public Announcement ng GMA tungkol nga sa mga alegasyon ng Kapamilya channel…habang iniisa isa ng GMA ang mga puntos na mga paratang ng ABS ay unti unting naliwanagan ang aking isip…alam ko namang di gagawin ng GMA ang mga pandaraya lumalabas….sa ginanap na GA nalaman ko na di empleyado ng GMA-7 ang mga informants diumano ng ABS na nanuhol sa mga bahay bahay sa Bacolod upang tumutok lamang sa mga programa ng Kapuso channel…nalaman ko rin na nagtayo ang ABS ng micro finance sa mga taga-Bacolod, nagpapahiram sila ng puhunan upang makapagsimula ng maliit na negosyo, at naniningil sila lingo lingo…at ang oras ng kanilang paniningil ay ang oras kung saan pinalalabas ang mga primetime show…samakatuwid kailangan nakatutok ang mga pinautang sa Kapamilya programs habang naniningil….ITO ANG TOTOONG NANUNUHOL….nakakaloka eh kung makapag bintang ang ABS ng panunuhol eh sila pala itong tutok na tutok… at nalaman ko rin ang malisyosong pagpaparatang ng isang reporter ng DZMM na inamin diumano ng taga-AGB Nielsen na ang GMA diumano ang nasa likod ng mga pandaraya…..eh wala naman silang pruweba…sa pagtatapos ng GA at paglalahad ng bawat department nalaman ko na walang pandarayang ginawa ang GMA-7 at kakasuhan ng LIBEL ang Kapamilya station sa walang takot nilang pag aakusa sa GMA-7….hmmm….ANG SA AKIN LANG NAMAN….SOBRANG DESPERADO NA BA NG MGA KAMPO NG KAPAMILYA AT BASTA BASTA NA LANG SILANG MANIWALA SA KANILANG INFORMANT AT DI MAN LANG NILA SINIYASAT MUNA KUNG TOTOO NGA ANG PNAGSASABI NITO?.....ANG SA AKIN LANG….SAAN KAYA SILA PUPULUTIN PAG NALAMAN NILA NA NILOLOKO LANG SILA NG KANILANG SOURCE?....Nag ngingitngit ako sa biglaan nilang paglalabas ng isyung ito sa the BUZZ…lalo na sa mga reaksyon ni Boy Abunda….na parang may mga pruweba na sila habang pinapakita nila ito sa TV….tinanong ba nila sa sarili nila kung legitimate ang kanilang source, nag imbistiga muna ba sila kung saan lupalop galing ang kanilang impormante? SUS….nagpadalosdalos lang sila sa kanilang mga desisyon…pinalalabas lang nila na apektado talaga sila sa mga ratings…..lalo lang akong nag-ngitngit kapag nakikita ko sa tanghali si Willie na parinig nang parinig na kesyo nagpapakahirap daw sila ng pagpapaganda ng programa nila pagkatapos ay dadayain lang daw sila? ( HALER? SIYA KAYA ANG MANDARAYA…FALSE HUMILITY ANG PINAPAKITA NIYA SA KANILANG MGA AUDIENCE? PATI NGA MGA GAMES NILA DINADAYA NILA!) tigilan nga nya ako….ANG SA AKIN LANG ….sana maalala nila ang kasabihang…ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili….o nawala na sila sa kanilang sarili? hehehehe
Saturday, December 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment