Saturday, December 29, 2007

Palawan in my Mind!

Matagal na rin akong nagpupunta sa Palawan Bar 1 sa Cubao ( nasa may Westpoint St., Cubao, Q.C.).... nung una ko itong narinig akala ko eh napakalayung Palawan as in Palawan ang bar na ito, yun pala nasa Cubao lang itong Palawan Bar...at isa pala itong videoke bar…madali ko itong natunton dahil maraming mga tambay sa harapan ng bar, mga batang bagets na pusturang pustura, parang pupunta ng party…pero pag pinasok mo ang palawan sa pinto pa lang may mga sasalubong na sayong mga waiters na bibong bibo na ihahatid ka sa gusto mong mesa….dati bilyaran ang harapan nito bago ka makapasok sa mismong inuman…pero dahil sa daming pumupunta dito tinanggal na ang bilyaran at na-extend ang videoke bar….hindi ito katulad ng mga bar sa malate na bonggang bongga ang hitsura…diko alam kung bakit puntahin ito ng mga bagong bading…eh parang pub ito ng mga hetero na ang hitsura katulad ng mga bar na makikita sa Quiapo, Sta Cruz at Avenida….walang pahinga ang Palawan Bar mula Lunes hanggang Linggo bukas ito sa lahat ng gusting uminom at UMAWRA ( makipag-flirt sa katabing mesa ) alas nueve pa lang marami ng tao sa Palawan at kung gusto mong kumanta dapat maaga ka magpalista dahil halos lahat ng pumupunta dito ay walang takot na kumakanta sa 5.00 bawat song e pede ka nang mag mini-concert…isang mike lang para sa sangkaterbang nagsisiksikanng costumer…star studded ang P1 tuwing Fridays at Saturdays halo halo ang mga pumupunta dito, may sosyal, pa-sosyal, may kaya, jologs, at mga nagpapaka-jologs….may mga grupo ng mga pa-girl, may mga BI ( mga ayaw umamin na bading daw sila ) mga masahistang bading, mga call boys, mga call boy na naghahanap ng lalaki rin, mga studyante, mga sales clerk ng gateway at SM at marami pang iba…ibang feeling kasi pag nasa P1 ka parang ang ganda ganda mo pag nalalasing ka na dahil ang daming tumitingin sayo, murang mura kasi ang beer nila dito P112 lang ang 5 colt 45 panalo talaga at pede kang magdala ng pulutan mo hehehe….pero bakit patok na patok ito? Sa dalawang taon kong pagpunta sa P1 natuklasan ko na hindi pala mahirap makakita ng One Night Stand dito, at kahit isang gabi maranasan mo ang makalimot at magpakasaya.. kung gusto mo ng seryosong relasyon siguro kailangan ng extra effort kung may makilala ka dito……pag sapit kasi ng alas 2 ng madaling araw halos lahat na ng mga kabadingan ay lasing sa colt 45 ay nagsisimula na ang tinatawag na Awra…siksikan na sa CR lalo na sa toilet ng ladies na kahit ang liit nito eh kasya ang 4 na tao…kung exhibitionist ka naman eh punta ka lang sa talyer sa labas ng P1 at duon makipaglampungan sa ka-awra mo…hehehehe…pero ang pinaka Bonggang bonggang nakilala ko dito ay si ELLA, ang kauna-unahang waitress ng Palawan….siya ang pinaka-paborito ng mga bading sa P1, halos lahat ata ng mesa eh sya ang tinatawag…siya ang pinaka-Ms. Friendship ng Palawan…lahat ng tsismis tungkol sa mga pumupunta dito alam ni Ella, kaya naman tuwang tuwa kami sa kanya…hindi lang siya mabait kundi ang sipag sipag pa…..dahil sa sobrang dami ng pumupunta dito eh nagtayo pa ng Palawan bar 2 sa may Yale St., Cubao 3 tumbling lang mula P1 nasa P2 ka na…kung hanap mo eh dancing dancing with a twist of pakwela ng mga veklang rumarampa eh swak ka dito…kaya kung pagod na ang ngalangala mo sa kakakanta sa P1 at gusto mong umindak sa tugtugan eh di punta ka lang sa Palawan Disco Bar!

1 comment:

Jogels said...

ang galing ng Post. 2007 pa pala ito. nag search kasi ako about this bar kasi nakita ko pics ng fried ko a few months back at parang natuwa ang vakla doon hahaha pero wit ko knows how to find that bar kalerks lang.