
Nitong nagdaang Pasko 2007 may mga wishlist akong natupad at ito ay ang magkaroon ng sariling Tarot cards…dahil kakaririn ko na ang panghuhula hehehe….dati kasi sinasarili ko lang ang pagre-read sa mga taong nakikilala ko at kahit na sa mga taong di ko pa kilala…noong una pa lang kasi nakakapanghula na ako pero ako lang ang nakakaalam…natatakot kasi ako na baka mali ang mga panghuhula ko…pero di nagtagal na-realize ko na hula lang naman yun at bakit naman ako matatakot…kaya nagpasiya akong unti unti ko itong i-develop….sayang naman ang kakaiba kong talent diba? Ang mga una kong pinagp-praktisan ay ang mga nakaka-chat ko sa net, tinatanong ko muna sila ng kanilang mga birthdays at zodiac signs, pagkatapos sasabihin ko sa kanila mga nangyayari sa kanila sa kasalukuyan ang nakaka-amazed ay nahuhulaan ko ang kanilang past, dun ang puntong bumibilib sila at nagde-decide na makipagkita sa akin… kasi kahit ako mismo na-aamazed din sa sarili ko kapag tama ang mga hula ko sa aking mga ka-chat sa net….at simula noon hanggang ngayon 98% ay di pa naman ako pumapaltos hehehe….at kapag di ko kilala mas accurate ang mga hula ko…pero kapag mga kaibigan ko at mga kakilala na nahihirapan na akong manghula….normal lang daw yun sabi ng isang manghuhulang kinunsulta ko, at ang sabi pa niya mas maganda ay gumamit nga ako ng medium para daw mahulaan ko ang aking mga excited na friends hehehe…kaya naman pinag-aaralan ko na ang binigay sa aking El Gran Tarot Esoterico….mas klaro ang mga descriptions ng tarot at sa tingin ko mas sakto ito sa mga future kong hula…kaya excited na rin akong ma-master ang tarot reading hehehe
No comments:
Post a Comment