Friday, October 5, 2007


Hay naku super boring ng pelikulang December Boys....sana pinanood ko na lang sa dvd...kung hindi si Daniel Radcliffe ang star dito, hindi ako nag aksaya ng panahon na manood ng premiere showing nito sa Glorieta4, pero salamat sa Xfm...dahil panalo talaga ang mga premiere nila..salamat sa kanilang mga xdeal...ang tema ng pelikula ay coming of age ng apat na main characters (orphan boys from a catholic home-style orphanage ), at pano nabago ang buhay nila sa isang bakasyon. Alam nyo ba na dahil sa Australia ang setting ng pelikula so kailangan ng strong Australian accent ng mga characters dito since si Dan Radcliffe ay british nag- practice sya ng Australian accent for six months prior to the films shooting pero halata pa rin na sya lang ang British sa pelikula...may mga eksena na akala ko nanonood ako ng Harry Potter at bigla syang magma-magic hehehe. Ginawa ang pelikula on location sa Adelaide and Kangaroo Island, with interiors at the South Australian Film Corporation Studio at directed by Rod Hardy(diko sya kilala?)....kung pagod ka at manonood ka ng December Boys baka makatulog ka at paggising mo Pasko na!

No comments: