Sunday, September 16, 2007

Trip to Quiapo



Every Sunday excited ako lagi kasi ito ang araw ng aking trip to Quiapo...bibili na naman ako ng mga DVD's hehehe, pag sundays talaga iba ang feeling ko...ang saya kasi ang sarap sumakay sa LRT3 from Cubao papuntang Recto...ang ganda ng tren, maluwag kahit maraming taong sumasakay at ang bawat stop may Voice Over na maririnig, di gaya ng MRT tagal pumila nakakaloka ang sikip....excited din ako kasi kakain na naman ako sa Globe Lumpia ang paborito kong lumpiang sariwa sa balat ng lupa...kung galing ka ng Isetan going to Quiapo church, pagdating mo ng overpass sa may gawing kanan makikita mo agad ang Globe Lumpia House ( dating Raon St.) maliit lang ang lumpia house, pagpasok mo may malaking pictures nina Susan Enriquez at Charlene Gonzalez with the owner ilang beses na silang napi-feature sa tv (sikat diba?)...Trivia lang- alam ba ninyo na 1957 pa lang may globe lumpia na daw at kaya sya tinawag na globe lumpia kasi nasa tabi ito ng dating Globe Theater...hanggang ngayon nasa tabi pa rin sila ng nagsarang globe theater....ang sarap ng lumpia nila dito grabe at P16.00 lang plus Sarsi na P8.00 solve ka na...masarap kasi yung caramel-peanut sauce nila at tamang tama lang yung tamis at fresh na fresh ang mga ingredients...panalo nakaka-adik....hehehehe at pagkatapos ay go na ako sa aking suki ng mga pirated dvd's....ang saya!


No comments: