
After Paano kita Iibigin itong "Chopseuy" ang follow up movie ni papa piolo....ang tsismis di daw kumita ang paano kita iibigin? eh paano na lang itong Chopseuy noong nanood ako kahapon parang lima lang kami sa moviehaus? syempre fan ako ni papa piolo kaya go pa rin ako kahit na ang chaka ng poster nila, parang suspense ang effect ng poster ...pero nanood pa rin ako diba? Sana ginawa na lang itong telemovie, at feeling ko sa sobrang hectic ng sked ni papa piolo parang one day shoot lang sya sa pelikula, kasi di sya lumalabas ng kwarto nya kasi sa storya depressed depresan ang drama nya, dahil di sya sinipot ng chinese fiancee nya sa araw ng kanilang kasal at sumama sa pinoy na kalaguyo ( kaloka diba? iniwan ni jessica (name ng fiancee ni piolo)ang beauty ni papa piolo? kaya ayun di mo makita sa pelikula si piolo, pasulpot sulpot lang...parang ang bida dito eh si dimples romana na ang galing galing umarte....may isang eksena akong napaiyak ni dimples nang mag thank you ang papa piolo sa kanya dahil nilinis niya ang kanyang kwarto, dahil wala syang ginawa sa pelikula kundi maglinis, maglaba, mamalengke at take note taga bukas lang ng gate ang katulong nila ( bat kaya sinuswelduhan yun? )...hay naku pag kumakain naman ako ng chopseuy eh nasasarapan ako pero dito sa pelikula di masyado...siguro kulang sa rekado? sana pinaghubad na lang nila si papa piolo para mas masarap bwahahahahaha!
1 comment:
sino si dimples romana?
Post a Comment