Thursday, February 28, 2008

Marion Piaf

Kung may Meryl Streep ang Amerika, meron namang Marion Cotillard ang Fance, ang nanalong Pinakamuhay na Aktres sa katatapos na 80th Academy Awards o Oscars…Si Marion ang gumanap bilang Edith Piaf sa pelikulang La Vie En Rose….si Marion ang pangalawang French actress na nanalo ng Oscars...napanalunan din ito ni Simone Signoret noong 1959…si Marion din ang kaunaunahang aktres na nanalo ng Oscars in Fench language…lahat ng nanalo ng major category ay puro mga foreigners kagaya nina Tilda Swinton Supporting Actress ( Michael Clayton) isang British, Javier Bardem Supporting Actor ( No Country for Old Men ) isang Spanish at Daniel Day Lewis Best Actor ( There Will Be Blood ) isang Irish/British…..kapapanood ko pa lang ng La Vie En Rose at talaga namang naiyak ako sa husay ng pag arte ni Marion sa papel na Edith Piaf ang sikat na pop singer ng France….pinanood ko tuloy ang mga you tube ng original performance ni Piaf nung nabubuhay pa sya at nagulat ako dahil kuhang kuha ni Marion si Edith Piaf, para syang reincarnation....kuhang kuaha niya kung paano kumanta at magsalita si Edith, parang si Edith Piaf tuloy ang pinapanood ko dahil sa galing ng pag arte ni Marion….… mabuti na lang sya ang nanalo ng Oscars dahil mas magaling naman talaga sya sa kanyang mga kalaban sa katergoryang best actress….

No comments: