Saturday, February 23, 2008

Awkward Daybreak at sobrang dilim na Selda



Last wed Feb 13, nanood kami ng premiere showing ng Daybreak sa UP Film Institute, ang bagong digital film ni Adolf Felix, pagdating ko ng UP kakaunti lang ng tao dahil kasabay din ng Daybreak ang Selda at Lihim ni Antonio sa Robinson’s , Galeria. Syempre mas pinili kong panoorin ang Daybreak dahil unang una premiere showing nito, pangalawa crush ko si Coco Martin at pangatlo sa UP ito ipalalabas kaya tiyak uncut at daring na bersyon na naman ito….simple lang ang kwento ng Daybreak, tungkol ito dalawang lalaking nagkakilala sa Tagaytay si Jp ang boatman (Coco Martin) at si William ang doktor na mayaman na taga Maynila ( Paolo Rivero) nagkita silang muli para pag usapan kung itutuloy pa ba nila ang kanilang relasyon o hindi na at ipagtapat ni William na magma-migrate na sya sa Australia kasama ng kaniyang asawa….ang sabi pa ni Coco sa isang interview...“May love scenes kami ni Paolo Rivero na bigay na bigay,” sabi Coco. “Walang sinabi yung sexy scenes ko sa Masahista. Dito, talagang halos hubo’t hubad na. Ang love scenes, hangga’t maaari, hindi na namin dinaya.”.....Marami na akong napanood na gay film pero dito sa Daybreak maraming masagwang eksena, hindi dahil malaswa ang pagkakakuha nito, kundi napaka awkward ang mga eksena. Napansin ko lang sa unang love scene nina Coco at Paolo na sobrang torrid ng kanilang halikan pero asiwa silang makita ng camera ang kanilang mga private parts, mukha tuloy silang mga robot kapag napa pan ang camera sa katawan nila….hindi ko tuloy maramdaman kung mga bading nga sila sa pelikula o bading/straight ba ang director ng pelikula….hindi dahil gusto kong makakita ng mga malalaswang eksena hinahanap ko lang na mas makita ko at ng manonood ang mas makatotohanang eksena… nagkulang ba o natakot ang direktor?....naisip ko tuloy dahil ang mga kinuhang artista dito sa pelikula’y may mga pangalan na sa industriya kaya maraming limitasyon sa pagkuha ng mga sex scene lalong lalo na kung ang tema ng pelikula'y kabadingan....kaya tuloy awkward ang kinalabasan…..

Kinabukasan Feb 14 pinanood ko naman sa Robinson’s Galeria ang pelikula nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na Selda….buti na lang wala akong nakitang awkward na mga eksena dahil magagaling ang mga artista ng Selda sina Sid Lucero, Emilio Garcia at Ara Mina…gustong gusto ko yung eksena nina Sid Lucero at Ara Mina sa putikan habang umiiyak sila dahil sa di sinasadyang mapatay ni Sid ang kanyang anak na babae….mabuti na lang di na nag attempt ang director ng Selda na magpakita ng love scene sina Emilio Garcia at Sid Lucero sa pelikula dahil i'm sure di gagawin ni Sid yun, kuntento na ako sa sandaling dampi ng mga labi ni Emilio sa mga labi ni Sid nang makulong sila sa bartolina….( medyo bitin pero ok lang ) di lang ako masyadong nag enjoy dahil maraming eksena na sobrang dilim at halos diko na makita ang mga artista sa mga eksena…hay sayang.

No comments: