Tuesday, February 12, 2008

skin deep


Sobra akong naaliw sa Skin Deep ng PETA na kasalukuyang pinapalabas until March. Tungkol ito sa pitong texter na nanalo ng Free Makeover sa world's first one-stop beauty resort sa Pilipinas ang – SKIN-DEEP BEAUTY SANCTUARY! na binuksan ni Dr. Beau Batoctol( Melvin Lee), an internationally famous Filipino cosmetic surgeon. Swak na swak ang skin deep sa panahon ngayon...lalong lalo na sa mga naglalabasang mga clinic na parang mga sari-sari store na nag-ooffer ng instant pagpapaganda.... Panalo ang mga characters dito: Bituin Escalante-an obese female call-center agent, Isay Alvarez at Robert Sena-a troubled married couple, Rem Zamora-a male model wannabe, Phil Noble-a flamboyant florist,Gail Guanlao-Billones- an abused housewife burned beyond recognition and May Bayot-de Castro-the reigning Miss Artificial Beauty....Bravo sa mahusay na pagganap ni May Bayot...nakakatawa ang mga punchline niya kahit serious na ang eksena mapapatawa ka sa mga hirit nya...at syempre dahil musical ito lahat sila may mga solo at syempre lahat sila panalo sa kani-kanilang moment....gusto ko ngang ulitin panoorin itong skin deep na dinirek ni Nor Domingo....pwes uulitin ko ito... manood na rin kayo!

No comments: