Monday, March 31, 2008

Bora Adventure

Pahabol kong entry ngayong March kahit matatapos na ang buwang ito diko pa napo-post ang bora adventure ko two weeks ago….sa daming beses ko nang pag bisita sa bora e ngayon ko lang na-experience ang maglakad sa ilalim ng dagat ang tawag dito reef walking daw….at syempre nung una kong marinig ang reef walking natakot agad ako, kasi naman hindi ako marunong lumangoy at baka any moment malunod ako…nalala ko tuloy ang sabi ni

Christopher Mc Candless sa pelikulang INTO THE WILD na dinirek ni Sean Penn -The core of mans' spirit comes from new experiences" so ba’t ko pa palalampasin ang chance na ito na lumakad sa ilalim ng dagat? deadma na sa takot go for gold na!...hindi ako nagsisi kakaibang mundo talaga ang ilalim ng dagat, ang saya sayang makihalubilo sa mga isda ng boracay kahit sandali lang …naisip ko tuloy sana nakakahinga ako sa tubig dahil pagkabigat bigat ng helmet na suot namin hehehehe kaya kung bibisita kayo sa bora wag nyong papalampasing i-try ang reef walking at maranasan nyo ang feeling ng isang dyesebel hehehehe

No comments: