Thursday, February 28, 2008

Marion Piaf

Kung may Meryl Streep ang Amerika, meron namang Marion Cotillard ang Fance, ang nanalong Pinakamuhay na Aktres sa katatapos na 80th Academy Awards o Oscars…Si Marion ang gumanap bilang Edith Piaf sa pelikulang La Vie En Rose….si Marion ang pangalawang French actress na nanalo ng Oscars...napanalunan din ito ni Simone Signoret noong 1959…si Marion din ang kaunaunahang aktres na nanalo ng Oscars in Fench language…lahat ng nanalo ng major category ay puro mga foreigners kagaya nina Tilda Swinton Supporting Actress ( Michael Clayton) isang British, Javier Bardem Supporting Actor ( No Country for Old Men ) isang Spanish at Daniel Day Lewis Best Actor ( There Will Be Blood ) isang Irish/British…..kapapanood ko pa lang ng La Vie En Rose at talaga namang naiyak ako sa husay ng pag arte ni Marion sa papel na Edith Piaf ang sikat na pop singer ng France….pinanood ko tuloy ang mga you tube ng original performance ni Piaf nung nabubuhay pa sya at nagulat ako dahil kuhang kuha ni Marion si Edith Piaf, para syang reincarnation....kuhang kuaha niya kung paano kumanta at magsalita si Edith, parang si Edith Piaf tuloy ang pinapanood ko dahil sa galing ng pag arte ni Marion….… mabuti na lang sya ang nanalo ng Oscars dahil mas magaling naman talaga sya sa kanyang mga kalaban sa katergoryang best actress….

Saturday, February 23, 2008

go...go...go Ramiele!


Kung American Idol fan ka i'm sure tuwang tuwa ka rin dahil may pinoy na namang kasama sa final 24…last wed Feb 20 nagsimula ang performance night ng mga lalaki at the following day naman ang pinakahihintay na performance night ng mga babae dahil syempre kakanta ang pambato ng pinas na si Ramiele Malubay….pinoy na pinoy talaga ang song choice ni Ramiele sabi ng isang friend ko,ang kinanta nya " You don't have to say you love me "... may nag text din sa akin na pang bagong kampeon daw ang piyesa ni Ramiele…halos lahat ata ng sumasali sa mga amateur contest dito yun ang kinakanta….at super impressed ang mga judges kay Ramiele at last Friday Feb 22 lumabas ang unang resulta ng ranking ng final 24 at number 1 si Ramiele sa mga babae…sa tingin ko may chance si Ramiele dahil mas maganda di hamak ang boses nya kesa kay Jasmin diba? Sigurado akong makakapasok siya sa top 12 finals!

Awkward Daybreak at sobrang dilim na Selda



Last wed Feb 13, nanood kami ng premiere showing ng Daybreak sa UP Film Institute, ang bagong digital film ni Adolf Felix, pagdating ko ng UP kakaunti lang ng tao dahil kasabay din ng Daybreak ang Selda at Lihim ni Antonio sa Robinson’s , Galeria. Syempre mas pinili kong panoorin ang Daybreak dahil unang una premiere showing nito, pangalawa crush ko si Coco Martin at pangatlo sa UP ito ipalalabas kaya tiyak uncut at daring na bersyon na naman ito….simple lang ang kwento ng Daybreak, tungkol ito dalawang lalaking nagkakilala sa Tagaytay si Jp ang boatman (Coco Martin) at si William ang doktor na mayaman na taga Maynila ( Paolo Rivero) nagkita silang muli para pag usapan kung itutuloy pa ba nila ang kanilang relasyon o hindi na at ipagtapat ni William na magma-migrate na sya sa Australia kasama ng kaniyang asawa….ang sabi pa ni Coco sa isang interview...“May love scenes kami ni Paolo Rivero na bigay na bigay,” sabi Coco. “Walang sinabi yung sexy scenes ko sa Masahista. Dito, talagang halos hubo’t hubad na. Ang love scenes, hangga’t maaari, hindi na namin dinaya.”.....Marami na akong napanood na gay film pero dito sa Daybreak maraming masagwang eksena, hindi dahil malaswa ang pagkakakuha nito, kundi napaka awkward ang mga eksena. Napansin ko lang sa unang love scene nina Coco at Paolo na sobrang torrid ng kanilang halikan pero asiwa silang makita ng camera ang kanilang mga private parts, mukha tuloy silang mga robot kapag napa pan ang camera sa katawan nila….hindi ko tuloy maramdaman kung mga bading nga sila sa pelikula o bading/straight ba ang director ng pelikula….hindi dahil gusto kong makakita ng mga malalaswang eksena hinahanap ko lang na mas makita ko at ng manonood ang mas makatotohanang eksena… nagkulang ba o natakot ang direktor?....naisip ko tuloy dahil ang mga kinuhang artista dito sa pelikula’y may mga pangalan na sa industriya kaya maraming limitasyon sa pagkuha ng mga sex scene lalong lalo na kung ang tema ng pelikula'y kabadingan....kaya tuloy awkward ang kinalabasan…..

Kinabukasan Feb 14 pinanood ko naman sa Robinson’s Galeria ang pelikula nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na Selda….buti na lang wala akong nakitang awkward na mga eksena dahil magagaling ang mga artista ng Selda sina Sid Lucero, Emilio Garcia at Ara Mina…gustong gusto ko yung eksena nina Sid Lucero at Ara Mina sa putikan habang umiiyak sila dahil sa di sinasadyang mapatay ni Sid ang kanyang anak na babae….mabuti na lang di na nag attempt ang director ng Selda na magpakita ng love scene sina Emilio Garcia at Sid Lucero sa pelikula dahil i'm sure di gagawin ni Sid yun, kuntento na ako sa sandaling dampi ng mga labi ni Emilio sa mga labi ni Sid nang makulong sila sa bartolina….( medyo bitin pero ok lang ) di lang ako masyadong nag enjoy dahil maraming eksena na sobrang dilim at halos diko na makita ang mga artista sa mga eksena…hay sayang.

Tuesday, February 12, 2008

skin deep


Sobra akong naaliw sa Skin Deep ng PETA na kasalukuyang pinapalabas until March. Tungkol ito sa pitong texter na nanalo ng Free Makeover sa world's first one-stop beauty resort sa Pilipinas ang – SKIN-DEEP BEAUTY SANCTUARY! na binuksan ni Dr. Beau Batoctol( Melvin Lee), an internationally famous Filipino cosmetic surgeon. Swak na swak ang skin deep sa panahon ngayon...lalong lalo na sa mga naglalabasang mga clinic na parang mga sari-sari store na nag-ooffer ng instant pagpapaganda.... Panalo ang mga characters dito: Bituin Escalante-an obese female call-center agent, Isay Alvarez at Robert Sena-a troubled married couple, Rem Zamora-a male model wannabe, Phil Noble-a flamboyant florist,Gail Guanlao-Billones- an abused housewife burned beyond recognition and May Bayot-de Castro-the reigning Miss Artificial Beauty....Bravo sa mahusay na pagganap ni May Bayot...nakakatawa ang mga punchline niya kahit serious na ang eksena mapapatawa ka sa mga hirit nya...at syempre dahil musical ito lahat sila may mga solo at syempre lahat sila panalo sa kani-kanilang moment....gusto ko ngang ulitin panoorin itong skin deep na dinirek ni Nor Domingo....pwes uulitin ko ito... manood na rin kayo!

Tuesday, February 5, 2008

Ang Lihim ni Antonio



Pagkatapos kong mapanood noon sa UP Film Institute ng pelikulang Ang Lalake sa Parola, akala ko yun na ang pinaka daring at pinaka boldest na gay film na napanood ko...nagkakamali pala ako dahil nang mapanood ko ang bagong digital film ni Jay Altarejos....ang pelikulang Ang Lihim ni Antonio, kahapon Feb, 4 sa UP rin ( Director's cut ) sinulat din ito ni Lex Bonife...tinatampok dito ang bagong artistang si Kenjie Garcia sa papel na Antonio. na sobra akong namangha sa walang ka effort effort na pag arte ng isang 15 year old na bata....maraming eksena sa pelikula na gusto ko siyang palakpakan sa husay niyang pagganap kahit na siya ay baguhan lamang....simple lang ang kwento ng Lihim ni Antonio....ito'y ang unti unting pagkamulat ni Antonio sa daigdig ng kabadingan....ang paghahanap ng kanyang identity....ang pag eexplore sa sarili....na-impress ako sa walang pretensyosong paglalahad ng palikula....walang takot na pagpapakita ng tunay na journey ng isang batang bading....na capture ng direktor ang damdamin ng isang batang nagsisimulang subukan ang tunay niyang nararamdaman....marami akong paboritong eksena sa pelikula...nang bumili ng sapatos si Antonio kasama ang kanyang nanay na si Tere ( Sharmaine Buencamino ) na di rin matatawaran sa kahusayan sa pag arte...nang magtapat si Antonio sa kanyang kaibigan Mike ( Jiro Manio) na di rin nagpatalo sa kahusayan sa pag arte....ganito ang kanilang palitan- Mike-Bat dina sumasama sa atin si Nathan, nag away ba kayo? Antonio: May nangyari sa amin...Mike: Ano nga nangyari sa inyo? Antonio: May nangyari sa amin...sex...Mike: Nag sex kayo?! Antonio: Lasing kami pareho....Mike: Sinong chumupa? Chinupa mo si Nathan?...hehehehe aliw na aliw ako sa eksena...at ang pinaka paborito kong eksena ay nang dumating sa buhay ni Antonio si Jonbert, ang kanyang tito ( Josh Ivan Morales ) na talaga namang sobrang tahimik ng audience habang inaabangan ang mga mangyayari sa mag-tito...yung mga eksenang sinisilipan ni Antonio si Jonbert habang naliligo, hinipuan habang natutulog at nang umiiwas na si Antonio sa kanyang tito ay bigla itong humarap sa kanya habang siya ay nasa kama at nagbabasa ng pocket book at hinubad ni Jonbert ang kanyang brief....winner itong si Josh...winner ang nota! mapapasaludo ka hahahaha.....winner din ang ending ng pelikula.....para sa pelikulang Ang Lihim ni Antonio....BRAVO! Ipapalabas Ang Lihim ni Antonio sa Feb. 13 sa Robinson's Galeria....