
Habang nilalasap namin ang sarap ng Kozui's Anmitsu nagbalik sa aking alaala ang SANGO, the burger master sa may Milelong , Makati...Winner ang burger nila dito kung sawa na kayo sa Jollibee at Mcdo...hay naku kakaibang experience ang first visit ko sa Sango, feeling ko nasa Japan ako...kasi sa entrance pa lang may mga nakatambay nang mga GRO's ( taga-Pharaoh ata sila, videoke bar besides Sango ) at ang mga service crew dito ang tataas ng energy kung mag-greet mula pinto hanggang sa pag order mo, mapapa-Oh at wow ka! ba't di sila napapagod huh and at ang drama nila mala-at-your-service .. alerto...at ang pronunciation daw ng SANGO ay sang-go at hindi sango ( parang ngongo pronouncing sago hehehe...joke lang ) nakakatuwa yung mga nakatambay na mga Japanese dito parang mga props lang pero authentic Japanese sila talaga huh...at habang hinihintay mo ang iyong order na dumating maaliw ka sa malaking LCD screen nilang nagpapalabas ng mga Japanese MTV's...panalo diba? para ka na ring nag-Japan kahit na nasa Makati ka lang...at masarap talaga ang burger nila ang difference ay ang special sauce (like a spaghetti sauce with too much onions) nilalagay nila sa master cheeseburger at bagay na bagay sa thick tomato slice at sa ginagamit nilang soft bun....ang masasabi ko lang mapapa-order ka ulet pag natikman mo to grabeh...oh SANGO na kayo dali!!!!
1 comment:
kakatawa mga posts mo. panalo blog mo. nakapag kain na ako sa sango. tama ka. panalo dun. nakita mo ba si mr. kobayashi?
Post a Comment