Tuesday, April 29, 2008
Ang brief ni Dingdong
Ploning



Wednesday, April 9, 2008
Marina rerun?

Ewan ko ba kung anong strategy ng abs cbn kung bakit nila pinapalabas ulet ang Marina? ( 10am everyday) Naisip ko tuloy natatakot ba sila dahil sa Dyesebel ng GMA-7? Ginagawa ba nila ito para magsawa ang mga televiewers kaya nila pinapalabas ulet ang Marina? Haler? Kung ikukumpara si Marian as Dyesebel sa Marina na namayagpag noong 2004 ng abs di hamak na mas sariwa si Marian, walang asawa at batang bata pa hehehe hay naku...Diba nila naisip na lalong na-eexcite ang mga tao dahil may advance teaser sila para sa Dyesebel ? Nakakaloka ang mga moves ng abs? Wala na ba silang ibang tactics na mas nakaka amaze? Director's cut pa daw? hahahaha Dapat ang title nun Marina bilasa na!?
Monday, March 31, 2008
Bora Adventure
Christopher Mc Candless sa pelikulang INTO THE WILD na dinirek ni Sean Penn -“The core of mans' spirit comes from new experiences" so ba’t ko pa palalampasin ang chance na ito na lumakad sa ilalim ng dagat? deadma na sa takot go for gold na!...hindi ako nagsisi kakaibang mundo talaga ang ilalim ng dagat, ang saya sayang makihalubilo sa mga isda ng boracay kahit sandali lang …naisip ko tuloy sana nakakahinga ako sa tubig dahil pagkabigat bigat ng helmet na suot namin hehehehe kaya kung bibisita kayo sa bora wag nyong papalampasing i-try ang reef walking at maranasan nyo ang feeling ng isang dyesebel hehehehe
Thursday, February 28, 2008
Marion Piaf


Saturday, February 23, 2008
go...go...go Ramiele!

Kung American Idol fan ka i'm sure tuwang tuwa ka rin dahil may pinoy na namang kasama sa final 24…last wed Feb 20 nagsimula ang performance night ng mga lalaki at the following day naman ang pinakahihintay na performance night ng mga babae dahil syempre kakanta ang pambato ng pinas na si Ramiele Malubay….pinoy na pinoy talaga ang song choice ni Ramiele sabi ng isang friend ko,ang kinanta nya " You don't have to say you love me "... may nag text din sa akin na pang bagong kampeon daw ang piyesa ni Ramiele…halos lahat ata ng sumasali sa mga amateur contest dito yun ang kinakanta….at super impressed ang mga judges kay Ramiele at last Friday Feb 22 lumabas ang unang resulta ng ranking ng final 24 at number 1 si Ramiele sa mga babae…sa tingin ko may chance si Ramiele dahil mas maganda di hamak ang boses nya kesa kay Jasmin diba? Sigurado akong makakapasok siya sa top 12 finals!
Awkward Daybreak at sobrang dilim na Selda

Last wed Feb 13, nanood kami ng premiere showing ng Daybreak sa UP Film Institute, ang bagong digital film ni Adolf Felix, pagdating ko ng UP kakaunti lang ng tao dahil kasabay din ng Daybreak ang Selda at Lihim ni Antonio sa Robinson’s , Galeria. Syempre mas pinili kong panoorin ang Daybreak dahil unang una premiere showing nito, pangalawa crush ko si Coco Martin at pangatlo sa UP ito ipalalabas kaya tiyak uncut at daring na bersyon na naman ito….simple lang ang kwento ng Daybreak, tungkol ito dalawang lalaking nagkakilala sa Tagaytay si Jp ang boatman (Coco Martin) at si William ang doktor na mayaman na taga Maynila ( Paolo Rivero) nagkita silang muli para pag usapan kung itutuloy pa ba nila ang kanilang relasyon o hindi na at ipagtapat ni William na magma-migrate na sya sa Australia kasama ng kaniyang asawa….ang sabi pa ni Coco sa isang interview...“May love scenes kami ni Paolo Rivero na bigay na bigay,” sabi Coco. “Walang sinabi yung sexy scenes ko sa Masahista. Dito, talagang halos hubo’t hubad na. Ang love scenes, hangga’t maaari, hindi na namin dinaya.”.....Marami na akong napanood na gay film pero dito sa Daybreak maraming masagwang eksena, hindi dahil malaswa ang pagkakakuha nito, kundi napaka awkward ang mga eksena. Napansin ko lang sa unang love scene nina Coco at Paolo na sobrang torrid ng kanilang halikan pero asiwa silang makita ng camera ang kanilang mga private parts, mukha tuloy silang mga robot kapag napa pan ang camera sa katawan nila….hindi ko tuloy maramdaman kung mga bading nga sila sa pelikula o bading/straight ba ang director ng pelikula….hindi dahil gusto kong makakita ng mga malalaswang eksena hinahanap ko lang na mas makita ko at ng manonood ang mas makatotohanang eksena… nagkulang ba o natakot ang direktor?....naisip ko tuloy dahil ang mga kinuhang artista dito sa pelikula’y may mga pangalan na sa industriya kaya maraming limitasyon sa pagkuha ng mga sex scene lalong lalo na kung ang tema ng pelikula'y kabadingan....kaya tuloy awkward ang kinalabasan…..
Kinabukasan Feb 14 pinanood ko naman sa Robinson’s Galeria ang pelikula nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos na Selda….buti na lang wala akong nakitang awkward na mga eksena dahil magagaling ang mga artista ng Selda sina Sid Lucero, Emilio Garcia at Ara Mina…gustong gusto ko yung eksena nina Sid Lucero at Ara Mina sa putikan habang umiiyak sila dahil sa di sinasadyang mapatay ni Sid ang kanyang anak na babae….mabuti na lang di na nag attempt ang director ng Selda na magpakita ng love scene sina Emilio Garcia at Sid Lucero sa pelikula dahil i'm sure di gagawin ni Sid yun, kuntento na ako sa sandaling dampi ng mga labi ni Emilio sa mga labi ni Sid nang makulong sila sa bartolina….( medyo bitin pero ok lang ) di lang ako masyadong nag enjoy dahil maraming eksena na sobrang dilim at halos diko na makita ang mga artista sa mga eksena…hay sayang.