Tuesday, April 29, 2008

Ang brief ni Dingdong






















March 8 nang bumadera ang katawan ni Dingdong Dantes sa kahabaan ng EDSA, ang malalaking billboard ng Bench brief kung saan sya ang bagong endorser...di naman ako masyadong na-excite sa sexy billboard siguro diko lang masyado type si Dingdong, pero gwapo naman sya sa paningin ng iba kong friends...sari saring opinion ang naririnig ko kapag napapadaan ako sa mga billboard ni Dingdong sa Balintawak , sa Guadalupe at sa Magallanes at karamihan sa naririnig ko "di daw magaling magdala ng brief si Dingdong? " in other words baduy....ilang beses ko ring inusisa kung totoo nga ang kanilang sinasabi....may ibang mga shots na ang taas taas ng waistline niya ang baduy nga hehehehe....pero in fairness lumaki naman ang katawan nya huh....

Ploning

Tanghali pa lang ng April 26 habang nanonood ako ng Eat Bulaga napansin kung kasama sa opening production number si Judy Ann Santos para i-promote ang pelikula nyang Ploning…nagtataka ako kung bakit hindi sya sa kanyang kapamilya network nagpo-promote?Inabangan ko tuloy ang Startalk dahil guest din daw sya dun….yun pala pagkatapos kung mapanood ang Startalk nagsalita dun si Judy Ann tungkol sa mga hinanakit niya sa ABS-CBN, ipinaliwanag nya dito kung bakit sa GMA-7 sya nag po-promote ng pelikulang nyang siya rin ang nag-produce….una pala niyang inilapit sa abs na tulungan sya na magpromote ng nasabing pelikula, ngunit tinanggihan daw sya dahil sa kaparehong playdate nito ng pelikula ng Sta Cinema na “When Love Begins” kung saan bida dito sina Aga Mulach at Anne Curtis, hindi iniurong ni Juday ang playdate ng Ploning kaya humingi na sya ng tulong sa kapuso network, nang malaman daw ito ng kapamilya ay nag alok ito diumano ng 5milyon worth na promotion , syempre naka oo na siya sa gma kaya dina nya ito tinanggap…ang sabi pa ni Juday sa interview, may isang salita daw sya at di na nya pwedeng tanggapin ang alok ng abs….diba dapat nung una palang nag alok na sila dahil artista nila si Juday, bakit kailangan lumapit pa si Juday sa gma para ma-realize nila na kailangan ng tulong ni Juday?...o dahil gma ang tutulong kay Juday kaya sila biglang mag aalok ng tulong?...Natatakot ba ang Star Cinema dahil si Juday ang kasabay nila at hindi sa Ironman ni Robert Downey Jr? Kaya sumugod ako sa SM Megamall para panoorin ang premiere night ng Ploning kung may ibubuga nga ang pelikula kumpara sa pelikula ng Star Cinema…Punong puno ng mga fans at kaibigan ni Juday ang loob ng cinema 10, pagdating ng cast nagsalita muna si Juday bago magsimula ang screening at ilang ulit din niyang binanggit ang kapuso network sa pagpapasalamat…Lilipat na rin kaya sya sa GMA? ( e nxt year pa matatapos ang contract nya with abs-cbn?)….

Bago magsimula ang pelikula pinakita muna ang trailer…trailer pa lang ang ganda ganda na at ang cinematography fantastic… Nagsimula ang pelikula sa isang lata ng lychee sa isang barkong sakay ang mga Taiwanese na illegal na nangingisda sa karagatan ng palawan….Inihatid ng barkong ito si Muo Sei (Bodjong Fernandez, na super sexy ng katawan) na may hawak lang na papel na may nakasulat na Ploning….dito nagsimula nag storya tungkol kay Ploning…nag-flashback kay Muo Sei ang lahat habang pinunpuntahan niya ang mga lugar na kanyang naaalala 25 taon na ang nakakaraan….mahusay ang pagkakasulat ng scipt at pagka direk ni Niko ( bestfriend ni Juday at first time director sa pelikula ) nung una malilito ka dahil sa dami ng karakter na pinapakilala sa kwento, pero habang sinasalaysay ang kwento mabibighani ka sa mga karakter sa pelikula…markado ang lahat ng artistang gumaganap sa kani-kanilang karakter kahit sandali lang sila sa pelikula…napanindigan nila ang cuyonan dialect na ginamit na linggwahe sa pelikula at may manakanakang tagalog…bumilib ako sa pelikula dahil walang halong sex at violence pero lumitaw pa rin ang ganda nito…. Ang mga eksenang paborito ko na talaga naming nakakaiyak ay ng magkita si Ronnie Lazaro ( Old Veling ) at Bodjong ( Muo Sei na halos walang dialogue…yung pangalawa naman e habang naglalaba si Tony Mabesa (Susing) ng puting bestida ni Ploning habang kausap si Digo (Cedric Amit) at ang huli ay nang nagpapaalam na si Tsuy ( Spanky Manikan ) kay Muo Sei ( Bodjong ) kering keri ni Spanky ang papel na isang Chinese…sobra akong naiyak nang binigay ni Muo Sei ang dala niyang cashew brittle kay Tsuy…ang Ploning ay storya ng paglisan, paghihintay, pagbabalik at pag-aalaala sa mga minamahal….

Wednesday, April 9, 2008

Marina rerun?


Ewan ko ba kung anong strategy ng abs cbn kung bakit nila pinapalabas ulet ang Marina? ( 10am everyday) Naisip ko tuloy natatakot ba sila dahil sa Dyesebel ng GMA-7? Ginagawa ba nila ito para magsawa ang mga televiewers kaya nila pinapalabas ulet ang Marina? Haler? Kung ikukumpara si Marian as Dyesebel sa Marina na namayagpag noong 2004 ng abs di hamak na mas sariwa si Marian, walang asawa at batang bata pa hehehe hay naku...Diba nila naisip na lalong na-eexcite ang mga tao dahil may advance teaser sila para sa Dyesebel ? Nakakaloka ang mga moves ng abs? Wala na ba silang ibang tactics na mas nakaka amaze? Director's cut pa daw? hahahaha Dapat ang title nun Marina bilasa na!?